May minsan lang na nagdugtong.
Damang-dama na ang ugong nito.
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas saýo?
Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pag-sinta.
Ba't 'di pa patulan ang pagsuyong nagkulang?
Tayong umaasang hilaga't kanluran.
Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo; ako ang sasagip saýo.
Saan nga ba patungo?
Nakayapak at nahihiwagaan na.
Ang bagyo ng tadhana ay dinadala ako sa init ng bisig mo.
Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?
'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo.
Naririto akong nakikinig sayo.
Ba't 'di salubungin ang puso ko at kunin?
Ang diwang malaya huwag nawang magpabaya pa.
Ikaw ang pag-ibig pakinggan ang himig ko.
Wala na sanang lalayo; mundong ito ay hihinto.
= = = = = = =
This song is about this girl
who likes this guy
whom secretly & obviously likes her back.
Another ingenious work by Armi Millare & Up Dharma Down.
No comments:
Post a Comment